Sumampa na sa 10,562 ang bilang ng kapulisang gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kasunod ng karagdagang 25 recoveries na naitala ngayong Sabado, Pebrero 20 ng Philippine National Police.
Kaugnay nito, pumalo na sa 11,015 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng virus sa hanay ng pulisya at 422 sa mga ito ay patuloy pang nagpapagaling.
Samantala, nanatili naman sa 31 ang bilang ng lahat ng namatay na pulis dulot ng COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco
UPDATE: As of 6:00PM of February 20, 2021, the PNP Health Service recorded 25 new recoveries today bringing the total…
Posted by Philippine National Police on Saturday, 20 February 2021