Patay sa ambush ang isang pulis-Maynila sa kanto ng Ayala at Marcelino Streets sa Maynila.
Kinilala ang biktima na si PO2 Mark Anthony Piniano na nakatalaga sa Station 3 ng Manila Police District o MPD.
Batay sa kuha ng CCTV, dalawang motorsiklo na may apat na sakay ang rumatrat kay Marcelino habang sakay ito ng kanyang motorsiklo at papakanan na sana sa Marcelino Street.
Labing tatlong (13) bala mula sa kalibre 45 at 9 mm ang na-recover ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen.
Sa report ng DWIZ, nakaangkas pa kay Marcelino ang anak na si Mikaela nang maganap ang pananambang.
Sa panayam ng DWIZ kay Mikaela, hindi aniya niya nakita ang pamamaril sa ama at nagulat na lamang siya nang bigla silang matumba.
Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaril.
By Len Aguirre | (Ulat ni Aya Yupangco)