Nahaharap sa paglabag sa Revised Penal Code at Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials ang isang pulis na inaresto matapos maaktuhang nagsusugal sa loob ng isang casino sa Pasay City.
Kinilala ang sugarol na si Maj. Rolando Isidoro, 51-anyos na naka-assign sa Personnel Holding and Accounting Section ng PNP Police Security Protection Group (PSPG).
Ayon kay PBGEN. Warren de Leon ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), madalas umanong tumaya sa mga slot machine si Isidro dahilan para siya ay arestuhin sa tulong na rin ng pakikipag-ugnayan nila sa Regional Intelligence Division (RID), Regional Special Operations Group (RSOG) ng National Capital Regional Office, PNP-PSPG, at ng Security Management Office of Resorts World Casino.
Sa ngayon, dinala na si Isidoro sa IMEG Headquarters sa Camp Crame, Quezon City para sa proper documentation and disposition prior to inquest proceedings bago dalhin sa Department of Justice (DOJ) sa Maynila.