Walo hanggang 15 libong pisong cash ang mapapasakamay ng isang pulis kapalit nang pagpatay sa isang drug suspect.
Ibinunyag ito ng AI o Amnesty International base na rin sa pahayag ng isang police officer na nakatalaga sa isang Anti-Illegal Drugs Unit sa Metro Manila at nagsilbi sa PNP o Philippine National Police ng 13 taon
Sinabi ng AI na ibinunyag din ng police officer na hindi ina anunsyo ang nasabing incentive at sa halip ay tila under the table umano ang pagbibigay nito.
Bukod ditto, may tila tie up ang mga pulis sa mga punenarya na nagbibigay sa kanila ng bayad sa kada labi na dinadala nila rito.
Ayon pa sa AI, maging ang Anti-Illegal Drug Unit na kinabibilangan ng pulis na nakapatay ng drug suspect ay mabibigyan din ng biyaya.
Inihayag pa ng nasabing pulis na walang insentibo sa mga makakaaresto lamang ng drug suspect.
Binigyang diin ng AI na financially motivated ang mga pulis sa kampanya kontra iligal na droga ng gobyerno at ito rin ang nagtutulak sa kanila para abusuhin ang kanilang kapangyarihan.
By: Judith Larino