Libre na sa Chinese General Hospital ang mga pulis na masusugatan sa actual police operations.
Ito’y kasunod ng nilagdaang memorandum of agreement sa pagitan ng Philippine National Police at Philippine Chinese Charitable Association na siyang may-ari ng Chinese General Hospital sa Lungsod ng Maynila.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na libre ang pagpapagamot ng mga pulis na nasugatan kapag nagsasagawa ng hot pursuit operations laban sa mga kalaban ng estado.
Ayon kay Abella, saklaw din ng kasunduan ang mga non-uniformed personnel o NUP ng PNP na kasama rin sa actual police operations basta’t kailangang magpakita ng mga dokumento mula sa kanilang mga superior kaugnay sa kanilang line of duty status.
Ang mga miyembro ng Manila Police District ay matagal nang nakikinabang sa nasabing medical assistance na ipinagkakaloob ng Chinese General Hospital sa mga alagad ng batas.
By: Meann Tanbio