Kumpirmadong gumagamit ng shabu si Superintendent Lito Cabamongan, ang opisyal ng Philippine National Police o PNP na na-aktuhang bumabatak ng droga sa Las Piñas.
Sa press brieifng sa Camp Crame, sinabi ni PNP Crime Lab Director Chief Superintendent Aurelio Trampe na nagpositibo sa confirmatory test si Cabamongan pati na ang kasama niya sa pot session na si Nedy Sabdao.
Isusumite na, aniya, nila sa PNP Internal Affairs Service ang findings ng lab test ni Cabamongan para maisalalim na siya sa summary proceedings na magiging daan ng pagkakasibak niya sa serbisyo.
Inamin naman ni Trampe na posibleng nakalusot sa mga nagdaang drug test si Cabamongan kaya ngayon lang ito nagpositibo.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal