Isang pulis ang natimbog ng mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force dahil sa pangongotong.
Ikinasa ng CITF ang isang entrapment operation sa gate ng National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa, Taguig City laban kay Corporal Rommel Enrico, na naka-assign sa Bureau of Immigration.
Batay sa naging reklamo, inalok umano ni Enrico ang complainant upang ayusin ang kaso ng asawa nitong koreyano na ikinulong sa Immigration sa Bicutan, Taguig dahil sa kasong overstaying.
200,000 piso ang hinihingi ng pulis kapalit ang paglaya ng dayuhan.
Sa ikinasang operasyon, tinanggap ni Enrico ang marked money na siyang naging hudyat ng pagkaka-aresto nito at pagkaharap sa kasong graft at direct bribery.
(with report from Jaymark Dagala)