Kakasuhan ng pamilya nang nasawing curfew violator ang mga pulis na nagpahirap dito at nagpagawa ng 300 rounds ng pumping exercise noong ika-1 ng Abril sa General Trias, Cavite.
Tiniyak ito ni Reichelyn Balce, live-in partner ng biktimang si Darren Peñaredondo, na bibili lamang sana ng tubig subalit inabutan ng curfew kaya’t hinuli.
Umabot sa 300 beses ang ginawang pumping exercise sa mga quarantine violators tulad ni Peñaredondo na nanghina ang katawan kayat itinakbo sa ospital subalit nasawi rin.
Siniguro naman ni General Trias Mayor Ony Ferrer na paiimbestigahan ang insidente.