Posibleng lumabag sa data privacy law ang mga pulis na nagsagawa ng profiling sa iba’t ibang binuksang community pantry sa bansa.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, depende ito sa nakuhang impormasyon ng mga awtoridad tungkol sa mga organizers, kung ito ba ay personal o hindi.
Dagdag ni Guevarra, maaaring magsampa ng kaso ang sinomang bahagi ng community pantry na sa tingin nila ay nalabag ang kanilang mga karapatan.
Kaugnay nito, muling igiinit naman ng Integrated Bar of the Philippines na wala silang nakikitang nilabag na batas ng mga nag-organisa ng community pantry bagkus ito ay isang mabuting gawa.