Naaresto ng mga tauhan ng PNP-CITF o Counter Intelligence Task Force at Intelligence Group ang isang pulis na nahaharap sa patung-patong na kaso
Kinilala ang umano’y tiwaling pulis na si PO2 Edgar Santos ng EPD o Eastern Police District na naaresto kaninang ala una y medya ng umaga.
Ayon kay ni CITF Director Senior Supt. Romeo Caramat Jr., inaresto si Santos sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 42 acting presiding judge Don Ace Marlano Alagar noon pang Enero 28 dahil sa kasong estafa.
Kabilang din aniya si Santos sa mga target ng CITF sa nabulilyasong operasyon nito sa Marikina City noong Disyembre dahil naman sa reklamong pangingikil na nagkakahalaga ng isandaang libong piso.
Kasalukuyang nakabinbin na sa DOJ o Department of Justice ang mga reklamong robbery at extortion laban sa pulis na si Santos na ngayo’y hawak na ng CITF.
Pulis na nahaharap sa patung-patong na kaso dahil sa pangingikil, naaresto | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/Il5ESfXVg1
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 9, 2019