Sinampahan na ng kasong kriminal ng National Bureau of Investigation o NBI ang pulis na naaresto sa drug raid sa maynila.
Kabilang sa mga asuntong isinampa laban kina PO2 Jolly Aliangan, misis nito na si Ronalie at kaanak na si Jeffrey Gutierrez ay possession of dangerous drugs, possession of drug instruments and paraphernalia, illegal possession of firearms at obstruction of justice.
Itinakda ng Department of Justice o DOJ ang preliminary investigation sa kaso sa darating na lunes, ika-30 ng Mayo,sa ganap na alas-nueve ng umaga.
By: Meann Tanbio