Pansamantalang nakalaya ang pulis na nahuling gumagamit ng shabu sa Las Piñas City kahapon.
Ito ay matapos na pagbigyan ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 201 ang application for bail ni Police Superintendent Lito Cabamongan.
Una nang sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 Section 13 ang pulis na isang bailable offense ngunit ibinababa ito sa Section 12 o Possesion of Drug and Paraphernalias na isang bailable offense.
Bagama’t pansamantalang nakalaya si Cabamongan mula sa kanyang kasong kriminal ay nanatili pa rin itong nahaharap sa kasong administratibo.
Magugunitang lumabas sa initial neuro – psychiatric test ni Cabamongan na mayroon itong psychosis o dumaranas ng pagkahibang na maaring dulot ng pagkagumon nito sa iligal na droga.
By Rianne Briones