Pinag-mumura ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa si PNP Crime Laboratory Alabang Satellite Office Chief Supt. Lito Cabamongan.
Ito ay matapos siyang mahuling nagpa – pot session sa isang bahay sa Las Piñas, kasama ang isang Neddy Sabdao.
Sinabi ni Dela Rosa na maliban sa reklamong droga, nakatanggap din sila ng reklamo mula sa isang mall na pilit itong nanghihingi ng ticket para makanood ng sine ng libre.
Tiniyak din ni Dela Rosa na kanilang pananagutin si Cabamongan.
By Katrina Valle |With Report from Jonathan Andal