Sumuko na sa Manila Police District o MPD ang pulis na nakabaril sa 13-taong gulang na binatilyo sa Vitas, Tondo, Maynila.
Kinilala ni MPD Spokesperson Erwin Margarejo ang suspek na si PO2 Omar Malina na ngayon ay nasa kustodiya na ng MPD Homicide Section.
Inako umano ni Malinao ang pamamaril kay Aldrin Pineda sa Vitas slaughterhouse, Biyernes ng gabi ngunit hindi pa tinukoy ang motibo sa insidente.
Sinabi ni Margarejo na isasailalim muna sa ballistic examination ang service firearm ni Malinao at titingnan kung tugma ba ito sa narekober na slug sa pinangyarihan ng insidente.
Umaasa naman ang mga magulang ni Pineda na makakamit na nila ang hustisya para sa kanilang anak.
—-