Naghain na ng not guilty plea sa korte si P/SSgt. Jonel Nuezca, ang pulis na bumaril at nakapatay sa mag-inang Gregorio sa Paniqui, Tarlac kamakailan.
Ayon kay Police Regional Office 3 o Central Luzon Police Director B/Gen. Valeriano De Leon, nabasahan na ng sakdal si Nuezca at mariin nitong itinanggi ang kasong murder na isinampa laban sa kaniya.
Kasabay nito, nagbigay na rin ng testimoniya ang ilang saksi na kumuha ng video ng pagbaril ni Nuezca sa mag- inang Sonya at Frank Anthony na nag-viral sa social media.
Itinakda naman ng Paniqui Regional Trial Court Branch 67 sa Pebrero 4 ng taong ito ang susunod nilang pagdnig kaugnay sa kaso ni Nuezca.