Sinailalim na sa oniline inquest proceedings si Police Master Sergeant Daniel Florendo, ang pulis na bumaril at nakapatay sa isang dating sundalo na umano’y lumabag sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Quezon City.
Ayon kay QCPD Chief Police Brig. General Ronnie Montejo, kanila nang nasampahan ng kasong homicide si florendo batay sa mga nakuha nilang ebidensiya.
Dagdag ni Montejo, tanging si Florendo lamang ang kinasuhan dahil wala pa silang nabubuong ebidensiya na nagkaroon ng conspiracy sa mga kasamahan nitong pulis sa pagkakapatay kay private first class winston ragos.
Una na ring nagsagawa ng motu propio investigation ang National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente gayundin ang Philippine Army.
Magugunitang, binaril ni Florendo si Ragos sa pag-aakalang bubunot ito ng baril mula sa kanyang dalang bag, sa kabila naman ng babala ng ilang mga testigo sa insidente na wala sa tamang pag-iisip ang biktima.