Inirekomenda na ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) na tanggalin sa serbisyo si Police Staff Sergeant Hensie Zinampan.
Si Zinampan ang pulis na bumaril at nakapatay sa 52 anyos na ginang na si Lilibeth Valdez na nakuhanan pa ng video at nagviral sa social media noong Mayo 31.
Sa panayam ng DWIZ Patrol kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, maliban dito ay naisampa na rin nila ang kasong kriminal laban kay Zinampan.
Tiwala si Triambulo na tatayo sa korte ang kaso ni Zinampan lalo’t kitang-kita sa video ang kung paano nito binaril hanggang sa mapatay si Valdez gayundin ang testimoniya ng mga nakasaksi sa krimen.