Lumutang na ang isang pulis na sinasabing nambugbog sa nakaalitang motorista sa Commonwealth, Quezon City.
Ayon kay Chief Inspector Melvin Madrona, nagawa niyang saktan ang motoristang si alyas David dahil ito ang naunang nagalit at nanakit sa kanya matapos na magkasagian ang kanilang mga sasakyan.
Aniya, napilitan siyang lumaban kay alyas David matapos syang suntukin nito kahit pa nagpakilala na syang pulis.
Itinanggi naman ni Madrona na nakainom siya nang mangyari ang insidente.
Nakunan pa sa CCTV ang pagtakbo ni alyas David sa Station 5 para humingi ng tulong sa ginagawang pagbanat sa kanya ng pulis.
Nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal at administratibo si Madrona habang direct assault naman ang isinampa niya laban sa motorista.
By Rianne Briones