Eksaktong tatlong taon matapos ang malagim na Oplan Exodus, namatay ngayong araw ang isa sa mga SAF trooper na nakaligtas noon sa Mamasapano Operation.
Kinilala ito na si PO3 Carlos Bocaig, na isa sa dalawang pulis, na namatay sa pagsabog ng granada sa Abra kaninang umaga.
Ayon kay Police Director Noli Taliño, ang commander ng PNP SAF, binigyan pa noon ng pagkilala si PO3 Bocaig dahil sa kanyang partisipasyon sa Mamasapano Operation.
Nagslibing gunner si Bocaig at kasama sa mga pulis na lumusob sa tinitrhan mismo ng target nila noon na si Zulkifli Binhir alyas Marwan.
Kaninang ala 1:30 ng madaling araw, namatay si BOCAIG at isa pang pulis matapos hagisan ng granada ang isang piyesta sa bayan ng La Paz sa Abra.