Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi Dengvaxia vaccines ang dahilan ng pagkasawi ng isa sa kanilang kasamahan na naka-destino sa Quezon City Police District (QCPD).
Ayon kay Senior Superintendent Antonietta Langcauon, Director ng PNP Health Service, “leptospirosis” ang ikinasawi ng naturang pulis at hindi ang kontrobersyal na anti-dengue vaccine dahil hindi naman ito naturukan nito.
Paliwanag naman ni Chief Inspector Benaly Bayani, medical officer ng PNP Health Service, posibleng napagkamalan lang na Dengvaxia ang ikinasawi ng pulis dahil sa sintomans na ipinakita nito tulad ng lagnat, pananakit ng katawan at paninilaw ng balat.
Tinatayang nasa mahigit 4,000 PNP personnel ang naturukan ng Dengvaxia sa lahat ng regional health service sa buong bansa.