Posibleng ilipat na ng kulungan si Police Master Sergeant Jonel Nuezca, ang pulis na pumatay sa mag-inang Gregorio sa Paniqui Tarlac.
Ayon kay Police Regional Office 3 Director Brig.General Valeriano De Leon, mas mapapabilis ang pag-usad ng kaso kung maililipat na ng kulungan si Nuezca, bagama’t nakadepende ito sa Korte.
Ani De Leon, maaari sa piitan na pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Tarlac ilipat si Nuezca.
Sa ngayon aniya ay nanananiling nakapiit si Nuezca sa Paniqui Police Dentention Cell habang hinihintay pa ang commitment order mula sa Tarlac Regional Trial Court Branch 67 na siyang may hawak ng kaso nito.
Samantala, sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) proseso sa summary dismissal proceeding ni Nuezca.