Posibleng atake sa puso ang ikinamatay ni Dismissed Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.
Ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, batay sa initial findings ng medical personnel ay may ‘cardiac infraction’ ito.
Aniya, inaasahang mailalabas rin ang resulta ng autopsiya sa bangkay ng dating pulis ngayong linggo.
Si Nuezca ang pulis na nasa viral video na pumatay sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio matapos na pagbabarilin ang mga ito dahil sa umano’y away sa lupa. —sa panulat ni Hya Ludivico