Ipinag-utos ng liderato ng Philippine National Police ang pagsibak sa isang pulis dahil sa pagkakasangkot sa pagdukot sa isang Chinese national.
Nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal ang suspek na si Pat. Josen Nino Ramos ng PNP Drug Enforcement Group matapos itong masakote kasama ang umano’y mga kasabwat nito na sina Conrad Hiro Liwanag, Ryan Joshua Turla at Oliver Asentista.
Sinasabing nagbayad ng P3.5 million na ransom ang pamilya ng biktimang si Chen De Jia kapalit ng kanyang kalayaan.
Nakumpiska sa operasyon ang 2 baril, mga bala, ilang patalim, motorsiklo, kotse, plaka ng sasakyan, cellphones, at umano’y shabu na nagkakahalaga ng halos P1 milyon.