Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng South Korea dahil sa pagdukot at pagpatay sa isang mamamayan nito.
Sa galit nga ng Pangulo sa harap ng pagpaslang kay Jee Ick Joo, sinabi niyang baka ipadala niya sa South Korea ang ulo ng mga pulis na pumatay sa Koreanong negosyante.
Dahil dito, nagbanta si Pangulong Duterte sa mga tiwaling pulis na pagdurusahan nila ang kanilang mga kasalanan at papatawan sila ng pinakamabigat na parusa sa ilalim ng batas.
Binigyang-diin ng Presidente na walang puwang sa kanyang administrasyon ang mga ganitong uri ng pulis.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping