Nakalaya na matapos makapagpiyansa si dating CIDG o Criminal Investigation and Detection Group Region 8 Chief Superintendent Marvin Marcos na isa sa mga itinuturong suspek sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at isa pang inmate noong nakaraang taon.
Ito ang kinumpirma ni CIDG Region 8 Deputy Chief, Inspector Teodolo Armada.
Batay sa ulat, pinagbigyan ng Baybay Regional Trial Court ang mosyon ng Department of Justice na maibaba sa homicide mula sa murder ang kaso laban kay Marcos at mga tauhan nito.
Matatandaang pinangunahan ng grupo ni Marcos ang operasyon sa Leyte Sub-Provincial Jail noong Nobyembre ng nakaraang taon para isilbi ang search warrant kay Espinosa at isa pang inmate na si Raul Yap dahil sa umano’y pagtatago ng armas at iligal na droga ng mga ito.
Natapos ang operasyon sa pagkamatay nina Espinosa at Yap.
By Ralph Obina
Pulis na suspek sa pagpatay kay Mayor Espinosa nakalaya was last modified: June 17th, 2017 by DWIZ 882