Agad sinibak sa puwesto ang hepe ng isang Police Community Precinct sa lungsod ng Pasay matapos tumakas ito sa isinagawang inspeksyon ng National Capital Region Police Office o NCRPO.
Kinilala ni NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar ang sinibak na hepe na si Chief Inspector Allan Estrada.
Ayon kay Eleazar, hindi na umano niya inabutan pa si Estrada sa opisina nito nang kaniyang bisitahin at hindi rin ito sumasagot sa kaniyang tawag.
Kalaunan, nakausap na rin ng NCRPO Chief ang hepe ng presinto at ikinatuwiran nito na natakot siya sa media kaya siya nagtago.
Dahil dito, inatasan na ni Eleazar si Pasay City Chief of Police S/Supt. Noel Flores na sibakin sa puwesto si Estrada at isailalim ito sa pagsisiyasat.
—-