Sinibak na sa pwesto ng PNP o Philippine National Police si Supt. Maria Cristina Nobleza na naaresto kamakailan dahil sa pagkakaugnay at pakikipagrelasyon nito sa isang miyembro ng Abu Sayyaf.
Ayon kay PNP Crime Laboratory Director C/Supt. Aurelio Trampe, naka-assign sa crime lab sa Davao si Nobleza bago ito maaresto nuong Sabado.
Sa ngayon ani Trampe, naka-assign na sa crime lab national headquarters sa Kampo Crame si Nobleza habang sumasailalim sa imbestigasyon.
Una nang tiniyak ni PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa ang pagsibak kay Nobleza gayundin ang pagsasampa ng kasong kriminal dahil sa pagkakanlong ng terorista.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal