Labis ang hinagpis ngayon ng isang pulis matapos pumanaw ang kaniyang anak sa gitna ng pagganap nito sa kaniyang tungkulin bilang isa sa mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) frontliner.
Sa facebook post ng pulis Valenzuela na si P/Ssgt. Robbie Vasquez, kaniyang ibinahagi ang sakit at hinagpis nang pumanaw ang kanilang anim na buwang gulang na sanggol.
Ayon kay Task Force COVID – 19 Shield Commander P/Ltgen. Guillermo Eleazar, Abril 27 nang makatanggap ng tawag si Vasquez mula sa may bahay nito habang siya’y naka-duty sa quarantine checkpoint sa boundery ng Valenzuela at malabon.
Duon nabatid na nag-aagaw buhay na umano ang kanilang anak na mayroong down syndrome sa North Caloocan Medical Hospital kaya’t agad siyang nagpaalam sa kaniyang commander na umalis at pinayagan naman siya nito.
Subalit huli na ang lahat para kay Vasquez nang abutan ang wala nang buhay nilang anak sa ospital dulot ng dehydration kaya’t ganoon na lamang ang kaniyang panlulumo nang hindi man lang niya ito nayakap ng buhay sa huling sandali ng buhay nito.
Sa kabila naman ng pagiging negatibo sa COVID-19 ng mag-anak ni P/Ssgt. Vasquez, hindi man lang sila binisita ni PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa nang mag-ikot ito sa lugar para inspeksyunin ang mga inilatag na quarantine checkpoint doon.