Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Corporal Henry Mangaser Olindo, 44-anyos, nakatalaga sa Municipal Police Station ng Lumbatan Lanao Del Sur.
Batay sa ulat, lulan ng motorsiklo ang biktima nang dikitan at pagbabarilin siya ng mga suspek.
Agad namang tumakas ang suspek patungo sa bayan ng Ampatuan.
Pinaniniwalaang mga miyembro ng liquidation squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang pumaslang kay Olindo.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap na pamamaril. —sa panulat ni Hya Ludivico