Nakapagtala na ng ikatlong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Philippine National Police (PNP).
Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac makaraang lumabas ang resulta ng pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa isang 35 anyos na pulis mula sa Pasay City.
Una rito, nagpositibo rin sa COVID-19 ang isang 32 anyos na pulis mula sa hindi tinukoy na lugar sa Metro Manila gayundin ang 52 anyos na pulis mula sa Laguna.
Ang tatlo ayon kay Banac ay naka-isolate na at sumasailalim sa strict quarantine alinsunod na rin sa mga panuntunang itinakda ng Department of Health (DOH).
Maliban dito, sinabi ni Banac na mayroon nang 97 PNP personnel ang Persons Under Investigation (PUI) habang nasa 1,228 na mga tauhan nito ang Persons Under Minitoring (PUM).