Nahaharap sa asunto ang mga Pulis Pasay makaraang masawi ang isang hinihinalang drug pusher matapos makipag-agawan ng baril sa mga pulis
Ito’y ayon kay Harra Kazou, live in partner ng nasawing suspek na si Jaypee Bertes ay dahil sa hindi siya kumbinsido sa ginawang imbestigasyon ng Pasay Police
Dahil dito, plano ni Kazou na magsampa ng kaso laban sa mga pulis Pasay na umaresto at pumatay sa kaniyang asawa
Nagtataka rin ang biyuda kung paano namaril ang kaniyang mister kung hindi naman ito marunong humawak ng baril
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Pasay PNP ang pagkasawi ni Jaypee at ng ama nitong si Renato kamakalawa
By: Jaymark Dagala