Pinaiimbestigahan na ni PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa ang umano’y paglabag ng mga pulis Pasay
Kaugnay ito sa proseso ng pagkapkap sa isang paslit na anak ng isang drug suspect na inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest at Search Warrant nitong Miyerkoles
Mismong ang maybahay ng napatay na suspek ang nagreklamo ng pambabastos ng mga pulis nang maghalughog ito sa kanilang tahanan
Kinuha umano ang bata at ininspeksyon ang puwet nito sa paghihinalang naruon ang itinatagong droga ng mag-asawa
Binigyang diin ng PNP Chief na may tamang proseso sa pagkapkap sa isang indibiduwal partikular na sa mga babae na dapat ginagawa sa isang tagong lugar
Hindi aniya maaring magkapkap ang isang pulis sa maselang bahagi ng katawan ng isang indibiduwal at hindi dapat niyuyurakan ang digdinad nito
Pagtitiyak ni Heneral Bato, hindi niya kukunsintehin ang nasabing pangyayari at tiyak na may kalalagyan ang mga pulis kapag napatunayan na mayruon silang paglabag
By: Jaymark Dagala