Patay ang isang pulis habang tatlo pa nitong kabaro ang sugatan matapos masabugan ng landmine ang kanilang convoy sa Magpet, North Cotabato.
Sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), nangyari ang pagpapasabog dakong alas-5:45 kahapon.
Binabaybay ng dalawang sasakyan ng Cotabato PNP Provincial Mobile Force ang bahagi ng Barangay Poblacion nang pasabugan ang mga ito ng mga hinihinalang New People’s Army (NPA) sa pamumuno ng isang Commander Alon.
Nagresulta naman ang insidente sa engkuwentro na dahilan ng pag-atras ng mga rebelde patungong Barangay Inac.
Agad namang isinugod sa isang ospital sa Kidapawan City ang mga sugatang pulis.
—-