Patay ang pulis matapos makaengkwentro ang mga rebelde sa Lapinig, Northern Samar.
Ayon kay Lieutenant Kenneth Tadawan, nagpapatrolya siya at ibang pulis bandang 6:40 a.m. sa naturang lugar nang makasagupa ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Samantala, nadiskubre malapit sa pinangyarihan ng insidente ang isang bahay na hinihinalang kuta ng mga rebelde at narekober dito ang mga explosive devices.—sa panulat ni Mara Valle