Arestado ang isang pulis matapos gahasain ang 17-anyos na babae sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Chief Master Sergeant Galahad Altarejos 18-anyos.
Ayon kay Lt. Col. Alex Sonido, hepe ng QCPD-Station 10, kakasara lamang ng karinderya ng tiyahin ng biktima kung saan suki ang suspek nang magboluntaryo itong ihatid ang mag-tiyahin sa kanilang bahay.
Dito na umano nagkaroon ng pagkakataon si Altarejos na halayin ang dalagita.
Nang pasukin ng tiyahin ang kwarto ng biktima ay nakita niya na lamang itong walang saplot at agad nagsumbong sa mga otoridad. —sa panulat ni Mara Valle