Binantaan ng isang Pulis Quezon City ang mga mamamahayag.
Ang nasabing pulis na natukoy lamang base sa kaniyang nameplate sa uniporme nito bilang si “Ilao” ay nagbanta sa media men na nagko-cover sa pagtatangka ng pamilya ni NDFP peace consultant Randall “Randy” Echanis na makuha ang labi nito sa Pink Petals Funeral Homes sa La Loma, Quezon City.
Binulyawan ng nasabing pulis ang mga reporters na sinabihan nitong mag social distancing dahil sa pagkakagulo sa pagkuha ng mga detalye sa nasabing isyu at kung hindi ay dadamputin niya ang mga ito.
Subalit makikita sa mga litrato na hindi lamang nag-oobserba ng social distancing ang mga media men, nakasuot din ng face mask ang mga ito.
Kabilang sa mga journalists na nakaranas ng “kamalasaduhan” ni Ilao na tila nagdilim na ay mula sa UNTV, TV 5, ABS-CBN, AlterMidya at DZRH.
Bumuhos naman ang mga komento ng netizens na sumusuporta sa mga taga-media na pinayuhan nilang gawin lamang ang kanilang trabaho subalit labanan kung kinakailangan ang pagiging berdugo ng mga pulis na tulad ni Ilao.