Kalaboso ang isang pulis Quezon City dahil sa pangongotong at pang-aabuso sa isang sibilyan.
Pinangunahan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang entrapment operation matapos na positibong tanggapin ng pulis na si P/CPL Myrldon Yagi ang P2,000 marked money mula sa nagrereklamong magpuprutas kapalit ang hindi paggiba sa kaniyang pwesto.
Si Yagi ay nakatalaga sa station 14 ng Quezon City Police District na nasa Brgy. Holy Spirit sa nabanggit na lungsod
Kasalukuyang hawak na ng IMEG sa Kampo Crame ang suspek na pulis habang inihahanda ang kasong administratibo laban sa kaniya na may kinalaman sa robbery-extortion.
Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila kukonsintihin ang sinuman sa kanilang mga tauhan na masasangkot sa anumang uri ng katiwalian at iligal na gawain. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)