Ipinatatapon sa labas ng Metro Manila ang kapitan ng Philippine National Police (PNP) na nambugbog ng isang marine engineer sa loob mismo ng QCPD o Quezon City Police District Station 5.
Gayunman, ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, Hepe ng QCPD, nasa kamay na ito ng nakatataas nilang tanggapan.
Sa kanyang panig, sinabi ni Eleazar na tinanggal na muna niya sa Station 5 si Chief Inspector Melvin Madrona at inilagay sa support group habang inaantay ang resulta ng imbestigasyon.
Ayon kay Eleazar, naipadala na nila sa Directorate for Investigation ang apat na kasong kriminal laban kay Madrona para magamit sa pagdinig sa kasong administratibo laban dito.
Hindi kinagat ni Eleazar ang katwiran ni Madrona na sinuntok siya ng biktima matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa trapik kayat hinabol niya ito hanggang sa police station.
“Hindi po rason yun na sa susunod na pagkakataon lalo na nakita natin na bugbugin niya, kaya nga ito ang naging basehan na mag-file at i-refer itong 4 na criminal cases against him before the office of the City Prosecutor, ito rin ang pagbabasehan for the investigation of the administrative case against him.” Pahayag ni Eleazar
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
*In Photo: QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar