Arestado ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang pulis sa Norzagaray sa Bulacan kahapon.
Ito’y makaraang mabisto ng IMEG na ginagawang driver ng police mobile ang isa sa mga detainee nito.
Kinilala ni PNP IMEG Chief P/Col. Ronald Lee ang pulis na si P/Capt. Wilfredo Dizon Jr, Deputy Chief of Police ng Norzagaray Municipal Police Station.
Ayon kay Lee, naaresto nila si Dizon habang sakay ng police mobile sa harap mismo ng presinto kasama ang detainee na kinilalang si Resty Cabacang.
Nabatid na kabilang din si Dizon sa 10 tauhan ng San Rafael Municipal Police Station na kinasuhan ng kidnapping at robbery sa Department of Justice noong 2018.
Dahil dito, inirekumenda ng IMEG kay Police Regional Office 3 Director P/Bgen. Rhodel Sermonia ang pagsasampa ng kasong grave misconduct laban kay Dizon.