Isang pulis ang patay matapos tambangan ng mga hindi nakilalang salarin sa bayan ng Cabagan, Isabela.
Kinilala ni Cabagan Police Chief, Maj. Rodante Albano ang biktimang si Corporal Marnix Baquiran, 34 anyos, residente ng Peñablanca, Cagayan at naka-assign sa Reina Mercedes Police Station sa Isabela.
Minamaneho anya ng biktima ang silver Toyota Fortuner nitong may plakang BBZ-3250 nang paulanan ng bala ng mga hindi nakilalang salarin sa bypass road, barangay Ugad, pasado alas-8 ng umaga.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Baquiran.
Napag-alaman na unang nadestino sa Cabatuan Police Station ang biktima bago napunta sa Reina Mercedes.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo sa pagpatay at sino ang posibleng mga nasa likod ng krimen.