Isang pulis at isang sibilyan ang patay habang apat pang iba ang sugatan matapos sumabog ang isang bomba sa Shariff Aguak, Maguindanao.
Ayon kay Police Col. Arnold Santiago, nangyari ang pagsabog sa tabing kalsada ng nasabing lugar ganap na alas-8:30 kagabi.
Nahagip ng pagsabog ang police car kung saan lulan ang nasawing si Chief of Police of Shariff Aguak Town Police Major Erwin Tabora.
Patungo sanang Provincial Police Headquarters ang mga ito.
Patuloy namang iniimbestigahan ang insidente.