Dalawang buwang suspendido ang isang pulis sa bayan ng Kananga, Leyte habang nakabinbin ang isang administrative case laban sa kanya dahil umano sa pagpapatakbo ng E-Sabong.
Kinilala ang akusadong si Staff Sergeant Jeffrey Cabelin habang kinasuhan din ang kanyang kapatid na lalaki sa paglabag sa Anti-Gambling Law.
Ayon kay Police Regional Office Director, Brig. Gen. Bernard Banac, bagaman naglunsad ng raid ang pulisya sa Kananga, hindi naman nila nadatnan si Cabelin.
Dapat anyang magsilbing babala sa hanay nilang pulis ang suspensyon at posibleng pagkakasibak sa serbisyo kay Cabelin.
Alinsunod ito sa utos ni PNP Chief, Gen. Dionardo Carlos na pagbawalan ang lahat ng pulis na tangkilikin ang E-Sabong matapos mahuli sa aktong nagsusugal ang isang miyembro ng PNP sa Camp Crame habang naka-duty.