Nakakulong ngayon ang isang aktibong pulis matapos umanong pagbabarilin ang tatlong estudyante sa Bagumbayan, Sultan Kudarat.
Ayon kay Police Brig. Gen. Alexander Tagum, hepe ng Police Regional Office 12, ang suspek na si Patrolman Roland Lopez, dalawampu’t siyam na taong gulang, ay nakatalaga sa 1st PMFC, South Cotabato Police Provincial Office.
Batay sa imbestigasyon, naganap ang pamamaril sa isang boarding house sa Brgy. Zone 3 sa Koronadal City kung saan nasawi ang estudyanteng si Charmaine Rose Canlas bunsod ng tatlong tama ng baril.
Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa South Cotabato Provincial Hospital ang dalawa pang sugatan na estudyante.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaril.