Umapela si Philippine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayalde Jr. sa publiko na huwag nang isali pa ang hanay ng pulisya mula sa mga pasaring sa gitna ng alegasyon kung saan isinasangkot ang mga police officers sa umano’y drug recycling.
Binigyang-diin ni Albayalde sa isinasagawang pagdinig ng senado kaugnay sa mga ‘ninja cops’ na ang ikinasang internal cleansing program ng pulisya ay nagresulta ng dismissal at paghahain ng criminal charges laban sa mga pasaway na pulis.
Albayalde: But for the last 17 months, since I became chief, I have strive to lead the 190,000 policemen to uphold the positive image of the Philippine National Police by sustaining the internal cleansing programs initiated by my predecessor, now a good senator.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 1, 2019
Nilinaw din nito na pabor siya na isapubliko ang impormasyong ibinunyag ni dating PNP-Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) Chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa executive session kaugnay sa mga pulis na sangkot sa pagrecycle ng illegal drugs.
Magugunitang noong nakaraang pagdinig ng senado, sinabi ni Magalong na ilang aktibong pulis ang sangkot pa rin sa drug recycling.