Naglatag ang Philippine National Police (PNP) ng mga Highway Police Assistance Desks (HIPAD) sa Pagadian City, Zamboanga Del Sur bilang bahagi ng “new normal crime prevention measure” sa probinsya.
Ayon kay Provincial Police Director, Col. Rhode Espero, 18 HIPAD ang itinalaga nila sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan, kabilang ang isang component city at 26 na bayan.
Aniya, makatutulong ang mga assistance desks sa pagsasagawa ng checkpoint at pagsugpo sa mga nagaganap na krimen sa highway tulad ng robbery at snatching.