Pulitika ang pinakamatibay na motibong nakikita sa pagpatay kina General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at Vice Mayor Alexander Lubigan ng Trece Martires Cavite.
Ayon kay retired General Eduardo Año, kalihim ng Department of Interior and Local Government o DILG, si Bote ang isa sa pinagpipiliang tumakbong gobernador ng Nueva Ecija sa susunod na eleksyon.
Samantala, napatay naman aniya si Lubigan, isang araw matapos nitong ipahayag ng intensyong tumakbong mayor ng Trece Martires.
Dahil dito, hindi dapat aniya iniisi sa culture of impunity ang mga pagpatay.
Aminado si Año na pumalo na sa 11 alkalde at 5 vice mayors ang napapatay mula noong maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, kumbinsido naman ang pamilya ni Vice Mayor Alex Lubigan na isang eksperto ang pumatay sa bise alkalde.
Ayon kay Kristine Lucero Lubigan, halatang planado at gawa ng eksperto ang pagpatay sa kanyang kapatid.
Tulad aniya ng kanyang kapatid na bise alkalde, sa ulo rin ang tama ng driver nito na nasawi rin sa insidente.
Batay sa awtopsiya kay Lubigan, apat na bala ang tumama sa bise alkalde, dalawa rito ang sa kamay habang sinasangga ang pag-ulan ng bala, isa sa baba at isa sa ulo.
—-