Isinusulong ni House Deputy Speaker Bernadette Herrera ang pagpupulong sa lalong madaling panahon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).
Ito ayon kay Herrera ay para mapagtibay ang rekomendasyon ng Komite sa Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang Excise Tax sa langis sa gitna na rin nang patuloy na pagtaas sa presyo ng oil products.
Sinabi ni Herrera na bahagi ng mandato ng DBCC sa ilalim ng Republic Act 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law ang pagpapa suspindi ng Excise Tax, bagamat hindi lamang ito ang maaaring gawin ng Komite.
Uubra aniyang magtakda ng parameters at metrics ang DBCC sa implementasyon ng nasabing Fuel Tax Suspension.
Kasabay nito, iminungkahi ni Herrera ang sampung porsyentong diskuwento sa pamasahe, NFA rice at iba pang benepisyong panlipunan.