Nagsimula na ang apat na araw na pulong sa pagitan ng mga kinatawan ng Pilipinas at Indonesia hinggil sa ligtas na paglalayag sa mga karagatang sakop ng dalawang bansa.
Pinangunahan ni Lt. General Benjamin Madrigal, Commanding General ng Eastern Mindanao Command o EASTMINCOM ang delegasyon ng Pilipinas samantalang si Indonesian Eastern Fleet Commander Ramd Didik Setiyono naman ang sa panig ng Indonesia.
Ayon kay Major Ezra Balagtey, Spokesperson ng EASTMINCOM, layon ng pulong na gawing regular ang joint maritime patrol na sinimulan nila noong nakaraang taon sa harap na rin ng mas matinding banta ngayon ng terorismo.
—-