Tuloy na ang pulong ng United Nations Security Council at ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Kaugnay ito sa apela ni Zelensky sa UN na tutukan nito ang patuloy na pagpapakawala ng missile ng Russia sa ilang kabahayan sa Kyiv kung saan 10 katao na ang nasawi.
Iginiit ni Zelensky na patuloy ang isinasagawang terorismo ng Russia na idinadamay maging ang mga sibilyan.
Bukod sa mga nasawi, nagdulot din nang pagkawala ng power supply ang nasabing pagpapaulan ng missile.