Tila nalilito ang mga senador at pilit iniuugnay ang pakikipagpulong ni Dating Presidential Economic Adviser Michael Yang sa Pangulong Rodrigo Duterre noong 2017 sa biniling medical supply noong 2020.
Ayon ito kay Atty. Raymund Fortun, abogado ni Yang matapos ipakita ni Senador Richard Gordon ang litrato nina Yang at Pangulong Duterte na nakikipagpulong sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na idinadawit sa pagbili ng umanoy overpriced medical supplies.
Subalit sinabi ni Fortun na si Yang ay nakikipag pulong sa Pharmally Biological Incorporated noong 2017 at iba sa 2020 Pandemic Supply Procurement.
Kasabay nito, tiniyak ni Fortun na makikipag tulungan si Yang sa senado at sa katunayan ay dadalo ito sa pagpapatuloy ng senate hearing bukas, Lunes, Setyembre 13.